Monday, May 27, 2013

Agimat at Manggagamot "Albularyo"

Masayang pagbati po sa inyong lahat ng makakabasa po nito.

Ako po ay isang trabahador sa isang construction firm at nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking karanasan at kaalaman tungkol sa Agimat at gamutan.
Ako po ay nagsimulang mag-aral ng gamutan nung ako po ay nasa 1st yr. college palang. Mahilig po kasi akong mag aral ng kakaiba at mga kabilib bilib na bagay. Una akong nag-aral ng gamutan o pagiging albularyo, Nag aral po ako nito sa kadahilanang ako po ay may sakit na matagal ng nagpapahirap sakin mula pa po ng ako ay nasa 14yrs. old palang. At sa maniwala po kayo o sa hindi ako po ay napagaling ng isang mabuti at tapat na albularyo. Naging matalik ko syang kaibigan at dun ay napag-isip isip kong mag aral sa kadahilanang napagaling nya ako at gusto kong magbalik tulong narin po sa mga tao at sa aking pamilya. Mahirap lang po ako at walang sapat na pera para makapagpagamot sa tulong ng ng pag-aaral ng ganito malaking bagay narin po na maagapan ko ang mga simpleng sakit o maging mabigat man na uri ng sakit.
Pero bago po ako natuto ng maraming uri ng gamutan ng sakit ay natutunan ko ang pag aaral ng agimat. Nakilala ko po ang isang organisasyon ng mga antingero na mas kilala sa pangalang Haring Bakal. Ako po ay naging miyembro nito at paunti unti ay sinaulo at pinag aralan ko pa ang ibat ibang level ng paggamit ng agimat kasabay ang pagtaas ng antas ng gamutan.
May mga bagay sa mundo na di maipaliwang ng sensya at sa tulong ng ganitong pag-aaral ay may mapapatunayan kang talagang may mga ganitong bagay na magpahanggang ngayon ay umiiral sa ating mundo.
Ang dahilang kung bakit po ako sumulat ay para magbigay ng babala sa maraming tao ngayon na nahihilig o nag aaral ng gamutan at agimat. Ang pag-aaral ng gamutan at may kakabit na agimat. Ngunit ito ay dapat may sapat na kaalaman at gabay sa sinumang nagnanais mag aral nito. sapagkat ito ay may kaakibat ng mabigat na responsibilidad.
Una: ang pag aaral ng gamutan ay dapat may sapat na sakripisyo o sinasabi nating panata na sa buhay.
kung ikaw ay mag aaral nito piliing mabuti o pag aralang mabuti ang iyong nais malaman at mas mabuting kilalanin mo ng husto ang iyong sarili kung ito ay aangkop at nararapat sa iyo. kailangan mo ng gabay o tutor sa pag aaral ng gamutan pagkat maari kang balikan o malipat ang sakit na iyong ginagamot sa iyo o maari ding tumama sa pamilya mo. dito pumapasok ang pag aaral ng mga uri ng depensang ispiritwal at katawan.
kailangan mo din malaman kung anong uri ng sakit ang iyong gagamutin pagkat karaniwang pumapasok sa ganitong sitawasyon ang tinatawag na kulam o gawa ng di nakikita. Mahalaga na pag aral mo din ang ikot o galaw ng bawat orasyon na iyong gagamitin pagkat maniwala ka man o hindi ang bawat dasal ay may ispiritong gabay na siyang nagpapagana at nagpapatakbo nito.
may mag ilang nag-aaral nito na tinatamaan ng sakit o kaya minsan sinasaniban ng ispirito o kaya naman eh pamilya mo ang tinatamaan o sinasaniban. nangyayari ang mga ganito sa kadahilanang may mga bawal at di dapat gawin na dapat ay iyo ring malaman, at sa pag aaral din nito ay may dalawang uri ito ay ang panggagamot na may halong kulam at gamutang totoo. ang may gamutan na may aral ng pangkukulam ay may mabigat na pasanin na magpapahirap sayo at sa buong pamilya mo. ang pag aaral ng ng deretsong gamutan ay may malaking matutulong ngunit malaki rin ang reponsibilidad.
mahalaga na ang bawat orasyon na iyong ginagamit ay alam mo ang malalim na kahulugan, di sapat na mayron lang itong maikling paliwanag.
Para naman sa mga nag aaral ng agimat ito ay may malakas na bisa base sa iyong paniniwala o pananalig, ngunit ibayong pag iingat parin ang nararapat, dahil ang pag aaral ng agimat ay may napakaraming mga bawal at di dapat gawin upang manatili ito sa iyong agimat. mahalaga na ang pag aaral nito ay ilihim lamang upang maiwasan ang ilang mga mapanubok na tao, sapagkat lahat ng uri ng agimat ay may katapat na pangotra.ang pag-aaral din ng agimat ay may ibat ibang antas depende sa gusto mong marating o mangyari.

Isang paalala ang nais kong inyong pakaaralin at alamin. sapagkat ang pag aaral ng gamutan at agimat ay di nakakapag paangat ng buhay o masasabi nating nagbibigay ng kamalasan sa may hawak nito. ngunit ito ay makakatulong ng husto sa inyo kung malalaman ninyo ang bawat sikreto nito at ikot nito.
may mga ilang orasyon at agimat na mabigat sa buhay at negosyo pero may pang kontra kamalasan at pagpapagaang sa buhay, dapat ay matutunan mo kung ano ang dapat mong pag aralan na pareho ang bisa ngunit di mabigat sa buhay, mag mga orasyon na nababase sa kulay ito ay ang puti, pula at ititm. ang lahat ng kulay ng orasyon ay may gamit pang gamutan, pang agimat at pang pinsala...
alamin ang kulay na iyong gamit, alamin ang bisa at mga bawal sa mga ito, alamin ang pangontra at alamin ang epekto sa buhay.

marahil hanaggang dito nalang muna sa ngayon ang aking ipapaliwanag. at sa mga nais pang magkaron ng sapat na kaalaman tungkol dito ay maari ko po kayong gabayan.

maraming salamat po...